Mga Laro Ngayon

(AUF Gym-Angeles City, Pampanga)

4:00 n.h. -- Northport vs NLEX

6:45 n.g. -- Phoenix vs Barangay Ginebra

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

MAITALA ang ika-apat na panalo upang makasalo ng TNT sa pamumuno ang puntirya ng Barangay Ginebra sa pagsagupa sa Phoenix Super LPG sa tampok na laro ngayong gabi sa pagpapatuloy ng 2020 PBA Philippine Cup restart sa Pampanga.

Ganap na 6:45 ng gabi sasagupain ng Kings ang Fuel Masters na naghahangad namang umiwas na magtamo ng back-to-back losses makaraang mabigo sa kasalukuyang lider TNT Tropang Giga sa nakaraan nilang laro na pumutol sa kanilang 2-0 panimula.

Mauuna rito, magtutuos naman ang kapwa winless pa ring Northport at NLEX ganap na 4:00 ng hapon.

Huling tinalo ng Kings ang Meralco Bolts noong nakaraang Linggo, 105-91 sa pangunguna ni Japeth Aguilar na nagposte ng 20-puntos. Marivic Awitan