Isinusulong ni Senator Nancy Binay na magkaroon ng sariling hukbo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magsisilbing proteksyon ng kanilang mga kawani, partikular na ang mga forest guard na kadalasan nagiging biktima ng sindikato.
Sa kanyang Senate Bill No. 1878, nais ni Binay na magbuo ng Environmental Protection and Enforcement Bureau (EPEB) sa ilalim ng DENR at siyang magpapatupad ng kanilang mandato na ang tanging layunin ay mabigyan sila ng proteksyon. “Nakababahala ang tumataas na kaso ng karahasan na dinaranas ng ating mga environment officers. The case of Forester Danilo Pascasio II is only the latest in a string of acts of impunity committed against those tasked with protecting our forests. believe that this proposed measure would help protect our officers as they protect the environment, that’s why I am urging my colleagues to pass this bill at the soonest possible time,” ani Binay,
Si Pascasio, isang forest management specialist sa Aurora, ay nasa ospital matapos na atakehin ng mga ilegal loggers sa kanilang anti-illegal timber poaching operation.
Sa ulat naman ng Global Witness, isang international environmental watchdog, aabot na sa 46 environment defenders ang namatay sa bansa mula 2019.
-Leonel Abasola