SIMULA na ang unang hakbang ni top Olympic bet Eumir Felix Marcial sa layuning maiuwi ang gintong medalya sa Tokyo games at masundan ang mga yapak ng mga matagumpay na Pinoy world champion sa kanyang pagsasanay sa pamosong Wild Card Gym nitong Biyernes sa Hollywood, California.
Sa pangangasiwa ni boxing hall-of-famer at maaalmat na trainer Freddie Roach, umarangakada ang unang yugto sa paghahanda ng 24-anyos na pambato ng Zamboanga City sa hangarang tuldukan ang mahabang panahong paghihintay ng sambayanan sa Olympic gold.
Nakatakda ang naunsiyaming quadrennial meet sa Agosto ng susunod na taon.
Bilang lehitimong pro fighter, sa ilalim ng MP Promotions ni boxing icon Senator Manny Pacquiao kung saan lumagda siya ng kontrata nito lamang taon, umaasa si Marcial na maihahanda rin ni Roach ang kanyang talent at kakayahan para maging isang world champion sa hinaharap.
Bukas na libro ang nagging kabanata ng caree ni Pacman nang magsimula itong magsanay sa kampo ni Roach noong 2001 tungo sa pagiging eight-division world champion at isa sa pinakamayamang atleta sa mundo.
“When Eumir walked through the door into the upstairs gym, I flashed back to 2001 when Manny (Pacquiao) first walked through the same door looking for someone to do mitts with him,” pahayag ni Roach, tinanghal na seven-time trainer of the year.
“Eumir has a lot of power and talent but we have a lot of work to do. It’s a very unusual situation working on a fighter’s professional debut knowing that we will be preparing for the Olympics after he turns professional. I really hope we can be the first to bring a world title and Olympic gold to the Philippines. That would be very special,” aniya.
Bago sinalanta ng COVID-19 ang buong mundo, nasungkit ni Marcial ang Olympivc slots nang magwagi sa Asia-Oceania Olympic Qualifying tournament in Amman, Jordan. Nitong Disyembre, nakamit niya ang gold medal sa 30th Southeast Asian Games at silver sa World Boxing Championships.
-DENNIS PRINCIPE