Isinusulong ng isang kongresista na payagang makaboto nang mas maaga ang mnga senior citizen at mga may kapansanan o person with disabilities (PWDs) sa darating na halalan sa 2022.

Sa panukalang batas na inihain ni Ang Probinsiyano Party-list Rep. Ronnie Ong, binanggit na dahil sa umiiral na coronavirus disease 219 (COVID-19) pandemic, makabubuting bigyan ng 30 araw na palugit ang senior citizens at PWDs na makaboto para makaiwas sa nabanggit na sakit.

Ipinaliwanag nito na pinapayagan ng Commission on Elections (Comelec) ang local at overseas absentee voters na bumoto nang mula dalawa hanggang walong linggong mas maaga sa araw ng itinakdang eleksiyon.

Gayunman, hindi pinapayagan ang senior citizens at PWDs na makaboto rin nang mas maaga o advance. Nauna nang iminungkahi ni Senator Edgardo Angara na dapat naz payagan bumoto nang mas maaga ang senior citizens at PWDs pitong araw bago ang halalan. Sa kanyang House Bill 7868 (New Normal of Voting for Senior Citizens and PWDs Act of 2020), nilinaw ni Ong na posibleng magiging dahilan ng pagkakait sa mga senior citizen ng kanilang karapatang bumoto dahil sa banta sa kanilang kalusugan.

Padilla, kinuwestiyon kredibilidad ng ICC prosecutors: 'Nag-aaral ba kayo ng batas?'

-Bert de Guzman