Nanawagan kahapon sa pamahalaan ang isang environmental health group na paigtingin pa ang kanilang hakbang upang maiwasan at mabawasan ang mga basura na nagdudulot ng baha at pagkalat ng sakit dahil na rin sa nag-umpisa nang maramdaman ang epekto ng La Niña sa bansa.

Sa pahayag ni EcoWaste zero waste campaigner Jove Benosa, panahon na upang palakasin pa ang pagpapatupad sa mga probisyon ng Republic Act (RA) 9003 (Ecological Solid Waste Management Act).

Nitong Oktubre 2, naglabas ng babala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa posibleng pagbaha at paglaganap ng mga sakit, katulad ng cholera at leptospirosis na inaasahang papalalain pa ng epekto ng La Niña sa bansa.

“All concerned government agencies and the public to take precautionary measures to mitigate the potential impacts of this event,” ayon pa sa PAGASA.

Eleksyon

Teddy Casiño, nakasama sina Heidi Mendoza, Luke Espiritu: ‘Maybe next time’

-Ellalyn De Vera-Ruiz