Without mentioning name, inamin ni Bea Alonzo na nakikipag-date na siya, months after ng break up nila ni Gerald Anderson. Tinanong kasi si Bea kung ano ang estado ng puso niya ngayon?
“Okay naman siya, nag-e-entertain siya. Nagde-date siya. Open siya maging masaya.”
May nagtanong din kung ano ang hanap niya sa isang magiging boyfriend? Ang sagot ng aktres, “A guy who’s madly in love with me.”
May mga nagbanggit ng pangalan ng aktor na si Dominic Roque na ang tsika, manliligaw ni Bea. May mga kontra sa aktor, pero marami rin ang boto sa kanya para kay Bea.
May ilang fans din na ipinipilit na sina Bea at John Lloyd Cruz na ngayon na alam nating hindi totoo. Magkaibigan at magka-love team lang ang dalawa at walang romantic relationship.
May nagtanong din kay Bea kung totoong nagkabalikan sila ni Gerald? Ang sagot ni Bea sa tanong ay madiin na “Never again. No! Never again!”
-NITZ MIRALLES