Usap-usapan ang tungkol sa pagbabalikan umano nina Gerald Anderson at Julia Barretto matapos kumpirmahin ng dalawa ang kanilang hiwalayan siyam na buwan ang nakalilipas.
Sa latest episode kasi ng “Showbiz Updates” noong Linggo, Hunyo 21, tinalakay ni showbiz insider Ogie Diaz ang tungkol sa lumabas umanong video nina Gerald at Julia na nagpapahiwatig na mukhang okay na ang dalawa.
Pero ayon kay Ogie, kinontra daw agad ng mga netizen ang lumutang na video.
“Ang sabi nila…ang tagal na niyan. Sa GenSan pa ‘yan noong dinala ni Gerald si Julia sa GenSan. Over kayo sa fake news. Sinasabi pa rito, mga clout chaser talaga ang ganitong mga galawan. Bakit hindi muna i-confirm, beh?” basa ni Ogie sa mga komento ng netizens tungkol sa video.
Sinegundahan ng ibang netizens ang paglalapag ng mga resibo para patunayan na matagal na ang naturang video nina Julia at Gerald.
“Ito naman ang sinabi no’ng isa,” saad ni Ogie. “‘May shooting po si Julia.’ Ayan, o. So, sabi pa rito, ‘matagal na ‘yan [video].’”
Kaya ang konklusyon ni Ogie, tila humahamig lang umano ng engagement ang netizen na nagpakalat ng video ng dating celebrity couple.
Matatandaang Setyembre 2025 pa nang kumpirmahin ng Star Magic ang breakup nina Gerald at Julia. Ilang buwan bago ito, naintriga na ring hiwalay na ang dalawa dahil sa picture ni Gerald sa Instagram na hindi kasama si Julia.
Maki-Balita: Gerald Anderson at Julia Barretto, kumpirmadong hiwalay na!—Star Magic
Ngunit sa isang panayam noong Hunyo 2025, pinanindigan ni Gerald na hindi totoo ang mga umuugong na balita tungkol sa relasyon nila.
Maki-Balita: Gerald Anderson, nagsalita na sa intrigang hiwalay na sila ni Julia Barretto
Sa ngayon, wala muna sa isip ni Gerald ang pakikipagrelasyon. Tututok muna siya sa kaniyang personal at propesyunal na buhay.
Maki-Balita: Gerald Anderson kung la-love life sa 2026: 'I don't think so!'