Ang desisyon kahapon ni Taguig-Pateros 1st District Rep. Alan Peter Cayetano na magbitiw sa tungkulin bilang Speaker ay umani ng magkahalong reaksyon mula sa kanyang mga kasamahan.

Nagpalakpak sina Muntinlupa lone district Rep. Rozzano Rufino “Ruffy” Blazon at Quezon City 2nd District Rep. Precious Hipolito Castelo sa “wise” na kilos ng dating Speaker.

“It would provide stability to the House. He made a wise decision for the institution,” sinabi ni Blazon sa isa text message, matapos ipahayag ni Cayetano, sa Facebook Live post, na inilalapag na niya ang kanyang irrevocable resignation bilang House Speaker.

Nagpahayag ng pasasalamat si Castelo kay Cayetano sa pagkilo bilang isang statesman, at para sa kanyang masiglang pamumuno na nagtulak sa pagpasa ng isang pangunahing priyoridad na batas, partikular ang mga hakbang na naghahangad na palakasin ang laban ng gobyerno sa COVID-19.

Eleksyon

Kontra Daya, iba pang grupo nagdaos ng kilos-protesta para kalampagin Comelec

“We thank Speaker APC for his statesmanlike act to put the country above anything else. We thank him for steering the House in making it one of the most productive and dynamic in terms of legislative accomplishments,” sinabi niya. Sa kanyang panig, sinabi ni Ang Probinsyano partylist Rep. Ronnie Ong, na “Rep. Cayetano’s resignation from the Speakership is the honorable thing left to do not only to abide by the term-sharing agreement, but also for the House to resume the swift and successful passing of the the budget deliberations.”

Ngunit, para kay Cebu City 2nd District Rep. Rodrigo Abellanosa, kalokohan ang kilos ni Cayetano. “Rep. Alan Peter Cayetano no longer has the position to resign from after the majority of the House members voted Rep. Lord Allan Velasco yesterday as Speaker, and then ratified in today’s session,” aniya.

Sinabi ni Negros Oriental 2nd District Rep. Manuel Sagarbarria na hindi siya nagulat sa pagbitiw ni Cayetano. “It is expected,” aniya.

Sa kanyang FB live, nanumpa si Cayetano na patuloy na ibigay ang kanyang suporta sa mga inisyatiba at programa ng gobyernong Duterte.

-Charissa Luci-Atienza