Hiniling ng dalawang senador sa mga employer na ibigay na ang 13th month pay ng kani-kanilang emplyeado bago ang sumapit ang Disyembre 24.

Idinahilan nina Senate President Vicente Sotto III at Sen. Panfilo Lacson, nasa batas ang nasabing benepisyo at dapat lamang itong sundin ng mga employer.

Nauna nang inihayag ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello na pag-aaralan nilang i-postpone ang pagbibigay ng nasabing benepisyo upang matulungan ang mga kumpanya sa epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic at hindi i-exempt.

“Hindi pwede ‘yun, ang exemption lang dun is kung distressed ‘yung kumpanya,” sabi ni Sotto.

Matapos maihalal, mensahe ni Yorme: 'Huwag tayong mag-away-away!'

“’Yung 13th month pay, kung kakayanin din lang naman, ibigay...Huwag naman ipagkait kung kakayanin din lang,” aniya pa.

Ganito rin ang pananaw ni Lacson na nagsabing apektado ang mga manggagawa ng health crisis.

“Sa tingin ko kailangan ibigay pa rin kasi hindi lang naman employer ang nahirapan, eh. Maraming manggagawa na nahirapan,” sabi naman ni Lacson.

-Vanne Elaine Terrazola