SA Lunes, October 12, isang big announcement ang magaganap sa 24 Oras para ipakilala na sa wakas kung sino ang Kapuso actress na gaganap sa title role na First Yaya, ang upcoming primetime series na matagal nang inaabangang proyekto ng GMA-7.

Kaya looking forward na ang mga fans at netizens kung sino ang magiging bagong leading lady ng multitalented Kapuso actor na si Gabby Concepcion.

Ang First Yaya ay kuwento ng isang Vice President (Gabby), na kalaunan ay magiging President ng Pilipinas, at ng kanyang first family. Ang mapipiling Kapuso actress ang siyang gaganap na ‘yaya’ para sa mga anak ng president.

Marami nang natatanggap sa socmed ng GMA na suggestions kung sino ang gusto nilang gumanap sa role ni First Yaya. Ilan sa mga Kapuso actresses na lumitaw ang pangalan ay kina Carla Abellana, Sunshine Dizon, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Lovi Poe. Pero maraming may gusto kay Carla na nakatambal na ni Gabby sa primetime series na Because of You. Pero ngayon ay magsisimula pa lamang ng lock-in taping nila si Carla ng Love of My Life. Si Sunshine naman ay nakatambal na ni Gabby sa top-rating afternoon prime na Ika-6 Na Utos na kasalukuyang napapanood ang rerun Monday to Saturday after Eat Bulaga.

Tsika at Intriga

Anne Curtis, naalarma sa kumakalat na larawan ng Sierra Madre

Itatampok din sa cast ng “First Yaya” sina Pancho Magno, Cassy Legaspi at si Ms. Pilar Pilapil, na ididirek ni LA Madridejos.

Abangan ang big reveal sa 24 Oras.

-NORA V. CALDERON