SA storycon of Anak Ng Macho Dancer na ang producer ay walang iba kundi ang binansagang Mega Concert Producer (dahil siya lang naman ang malakas ang loob na mag-produced ng concert last year ng international singer na si Gloria Gaynor at pati na rin ang international singing group na Abba) na walang iba kundi ang dating artistang si Joed Serrano ay naka-one-on-one interview ito ni yours truly and the following ay ang naging Q&A portion naming dalawa.

joed

Q: “Joed, hindi mo naman ikinakailang gay ka ‘di ba?”

A: “Hindi naman po. Hindi po. Alam naman siguro ng lahat na gay nga ako.”

Lolit Solis, sad sa resulta ng eleksyon para kay Bong Revilla

Q: “May karelasyon ka in real life sa kasalukuyan?”

A: “Meron po.”

Q: “If every, magpapa-transgender ka ba tulad ni Bb Gandang Hari?”A: “Ay, hindi po. Wala po sa plano ko yon.”

Q: “Gagayahin o tutularan mo ba sina Direk Perci Intalan at Direk Jun Lana na magpakasal as gay to gay or man to man kasalan?”

A: “Ay, hindi po. Happy na po ako kung anuman meron kami nang aking ka-relasyon sa ngayon.”

K, fine!

First time nitong si Joed na maging movie producer at ito ngang Anak Ng Macho Dancer na tipong sequel ng Macho Dancer noon ni Allan Paule at naging obra ni Direk Lino Broca (SLN) ang kanyang susubukan at may saying nga na first time shouldn’t be the last time na inamin naman niyang masundan sana daw agad kahit na baguhan pa lang si Sean de Guzman sa mundo ng showbiz na siyang gaganap sa title role.

“Happy ako sa kinalabasan ng pa-audition namin dahil we found our perfect choice for the title role. Yung other boys naming napili will do very important parts in this movie.

“This is my first time to produce a movie kaya super-excited ako dahil natitiyak kong maganda ang kalalabasan ng pelikulang ito. The fact na pumayag ang ilang stars ng original cast ng Macho Dancer like Ms. Jaclyn Jose, William Lorenzo and Allan Paule plus Direk Joel Lamangan as our Director, sobrang saya ko talaga. At malamang kukunin din namin si Rosanna Roces na mapabilang sa cast nitong Anak Ng Macho Dancer.” Pagtatapos na sey ni Joed Serrano na up to now ay poging pogi pa rin at puwedeng-puwede pang gumanap sa mga lead roles in pernes.

-MERCY LEJARDE