July 13, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ryzza Mae, nawindang sa laki ng nahawakang itlog!

Ryzza Mae, nawindang sa laki ng nahawakang itlog!
Photo courtesy: Screenshots from Ryzza Mae Dizon (FB)

Nabigla si "Eat Bulaga" host Ryzza Mae Dizon sa nahawakan niyang dambuhalang itlog ng ostrich, na niluto nila ng businessman at content creator mula sa Pampanga na si Romeo Catacutan.

Sa collaboration nila na ibinahagi ni Ryzza Mae sa kaniyang social media accounts nitong Linggo, Hulyo 12, makikita ang pag-alalay sa kaniya ni Romeo sa pagluluto niya mismo ng itlog ng ostrich, nang dumalaw sila ng kaniyang inang si Mama Rizza Dizon sa farm nito.

"Grabe! Soooobrang laki po pala talaga ng itlog ng ostrich! Thank you sa experience, Idol Romeo Catacutan," mababasa sa post ni Ryzza.

Makikita sa video na gamit ang kutsilyo, binarag ni Ryzza ang itlog at gumawa ng scrambled egg.

"Malasa nga," nasabi ni Ryzza Mae nang tikman niya ang luto.

Tsika at Intriga

Coco, binatikos; ‘nagtangkang mambola’ na kay Julia kahit 13-anyos pa lang

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Ang Laki naman nyang itlog na yan ilang gramo kaya yan"

"Grabe nmn itlog na yan tigas ng shell hehe pero nice pwede pla Yan kainin"

"kapal ng shell"

"Parang na shock si Ryzza Mae sa laki ng egg ng ostrich.."

"Ang laki ng egg ng ostrich"

Bukod sa pagluluto ng itlog ng ostrich, sinamahan din ni Romeo si Ryzza sa fishing sa sariling farm.

"Nakapag try rin po akong mag fishing sa farm ni Idol Romeo Sagum Catacutan !! SAYAAA hehe thank you po Idol at mga kuyas!" ani Ryzza.