Inabiso ng pamunuang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na magkakaroon mga pansamantalang pagbabago sa daloy ng trapik sa kanilang Terminal 3 simula sa Hulyo 15 hanggang Agosto 14.
Saad pa sa pahayag ng NAIA nitong Linggo, Hulyo 12, ang mga pagbabagong ito ay dahil sa isasaayos na departure curbside sa Terminal 3, na sasamahan ng pagtatayo ng bagong canopy o tabing upang maging silungan ng mga pasahero mula sa ulan at matinding init.
Mula Hulyo 15 hanggang Agosto 14, ang pansamantalang trapiko ay mararamdaman mula 9:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling araw.
Sa mga panahong ito, kapag lumala ang trapiko, binanggit ng pamunuan na maaaring ibaba ang mga pasahero sa Arrival Bays 1 at 8.
Dito ay maaari ding gamitin ang pinakamalapit na elevators upang magtungo sa check-in counters.
Tiniyak din ng pamunuang NAIA na may mga nakatalagang traffic marshals at directional signs dito upang gumabay sa mga pasahero at motorista.