Simula ng pandemic ay maraming nabago sa showbiz career ni Vice Ganda. Oo nga’t napapanood pa rin ang noontime show niya na It’s Showtime, ngunit limitado ang naaabot ng platform.
Mahirap ang mag-perform before an empty audience na pinaghuhugutan ng materyal ni Vice. Sila ang kanyang inspirasyon. Bawal ang yakapan, harutan at asaran because of social distancing protocol. Idagdag na din ang stress at pangamba dulot ng pagsasara ng ABS-CBN. Lalo na sa libu-libong nawalan ng trabaho.
Dahil limitado ang galaw at maraming restrictions ay may pangambang hindi na matuloy ang pang-MMFF entry ni Vice Ganda na Praybeyt Benjamin 3.
Kung may isang bagay na very thankful si Vice ito mayroon pa rin siyang trabaho at nakakapag-ipon.
“Mahirap mag-survive kung walang naipon at kangino ka aasa?” wika ni Vice.
Pilit niyang binubura anything that is negative.
“Have faith at magtiwala sa Diyos. Nanalig akong there are better things to come,” say niya.
Mapapanood rin si Vice sa kanyang digital platform na The Vice Ganda Network na mayroong game show Prize Ganda at Gabing Gabi Na Vice, at sa kanyang YouTube vlogs.
-Remy Umerez