Inianunsiyo ng Manila Electric Co. (Meralco) na magpapatupad ito ng 12 sentimo kada kilowatt hour (kwh) na taas sa singil sa kuryente ngayong Oktubre.
Sa paabiso ng kumpanya, sinabi nito na ang pagtaas ng kanilang singil ng P0.12/kwh sa October 2020 bill ay bunsod ng pagtaas ng Generation Charge.
Simula noong Mayo ay ngayon lamang muli nagkaroon ng pagtaas sa overall rate ng Meralco.
Bunsod naman ng taas-singil sa kuryente, ang mga consumer na kumukonsumo ng 200 kwh ay may dagdag na P24 sa kanilang bill habang P36 naman sa mga kumukonsumo ng 300 kwh.
Nasa P48 naman ang dagdag kung ang konsumo ay 400 kwh at P60 kung nakakagamit ng 500 kwh.
Mary Ann Santiago