Sampung guro sa isang pampublikong paaralan sa Ilagan City, Isabela ang nahawaan na rin ng coronavirus disease 2019 (COVId-19).

Ito ang kinumpirma kahapon ng Department of Education (DepEd)-Region 2 (Cagayan Valley) na nagsabing walang kaugnayan sa pamamahagi ng module ang pagkakahawa sa sakit ng mga ito.

Paliwanag ni DepEd-Region 2 director Estela Cariño, ang nasabing mga guro ay sumailalim sa swab test kamakailan at agad na natuklasang positibo sila sa virus.

Binanggit pa nito na unang tinamaan ng sakit ang isa sa 10 na guro habang ang siyam na iba pa ay nahawaan nito.

Eleksyon

Teddy Casiño, nakasama sina Heidi Mendoza, Luke Espiritu: ‘Maybe next time’

Kasakukuyan na aniyang naka-quarantine ang 10 na guro.

Merlina Hernando-Malipot