Bilang katumbas na parusa sa mga akusadong nasentensyahan ng minor offenses, inaprubahan ng Korte Suprema ang guidelines sa pagpapatupad ng community service.
Layunin ng hakbang na magpatupad ng jail decongestion o mabawasan ang sobrang dami ng mga bilanggo sa kulungan. Ang pagpapataw ng community service bilang parusa sa mga convicted sa minor offenses ay magsisimula sa Nobyembre 2 ngayong taon. Sa ilalim ng guidelines, kailangang maabisuhan ang akusado sa korte na mayroon siyang option na gawin ang community service sa lugar na pinangyarihan ng krimen.
Kung sakaling iapela ng akusado ang parusang community service, ay hindi na ito maaaring mag-apply ng panibagong community service o probation.
-Beth Camia