Sumuko kahapon sa tanggapan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group(PNP-CIDG) Ormoc City ang isang construction worker na suspek sa pagpatay sa tatlong nursing student sa Caloocan City kamakailan.
Kinilalang ni Brig. Gen. Joel Colonel ang suspek na si Anselmo Singcol, tubong Ormoc, Leyte, at itinuturong pumatay sa isang nursing student at dalawang nursing graudates sa Caloocan City.
Sinabi ni Caloocan City Police chief Dario Menor na itinanggi ng Singcol na siya ang utak at ang itinuturo bilang pangunahing suspek ang isang alyas “RonRon”.
Magugunitang natagpuang patay sa isang ginagawang bahay ang mga biktima na sina Mona Ismael, 22 , Glydel Belonio, 28 at Arjay Belencio, 22 na tadtad ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan. Pinaghahanap pa rin ang tatlong suspek na sina Adonis at Alden Singcol, at Dingding Sarmiento.
-Fer Taboy