Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na handang-handa na sila sa pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa ngayong araw.

Binanggit ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, nakatanggap na sila ng ulat mula sa kanilang regional directors at tiniyak ng mga ito sa kanila na nakalatag na ang lahat para sa pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral ngayong araw.

Plantsado na rin aniya ang mga contingencies nila upang matugunan ang mga hamon na maaari nilang kaharapin ngayong sa kauna-unahang pagkakataon ay gagamit ang bansa ng blended distance learning sa pagtuturo sa mga estudyante.

“Handang-handa po, at ito po ay galing sa ulat ng aming regional directors. ‘Pag sinabi naming handang-handa, pinaghahandaan din ang contingencies para mabigyan ng tugon ‘yung mga magiging hamon simula bukas (Oktubre 5),” pagtitiyak ni San Antonio kahapon.

Eleksyon

SP Chiz matapos ang eleksyon: 'Oras na para isantabi ang pulitika!'

“Constant communication naman po kami. Kung kailangan ang guidance sa central office o support ay madali naman pong nangyayari ngayon kasi napakabilis mag-communicate ng mga kinauukulan,” sabi pa nito.

-Mary Ann Santiago