Maraming dollar reserves ang bansa kaya’t may kakayahang makabayad ng utang ang gobyerno sa mga foreign financial institution.

Ito ang tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at pinawi ang pangamba ng publiko sa posibilidad na malubog sa utang ang Pilipinas bunsod ng krisis sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa pahayag ni BSP Governor Benjamin Diokno, bagaman halos lahat ng bansa ay pinadapa ng COVID pandemic sa aspeto ng ekonomiya, maayos pa rin umano ekonomiya ng Pilipinas dahil hindi bumababa ang halaga ng piso.

Giit ni Diokno, maganda ang ekonomiya at halos nasa $100 billion US dollars ang Gross International Reserves nito.

Eleksyon

SP Chiz matapos ang eleksyon: 'Oras na para isantabi ang pulitika!'

Ipinagmalaki ng opisyal na ang piso ang pinakamatatag na currency ngayon sa Asya at pangalawa sa buong mundo.

-Beth Camia