Balak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na bumili ng mga helicopter sa South Korea upang mapalakas ang pagbabantay ng pamahalan sa karagatang nasasakupan ng bansa.

Kahapon, sinabi ni Lorenzana na kabilang sa nais nitong bilhin ang UH-1H (Huey) at MD500 helicopter mula sa South Korea.

Nakapaloob aniya ang kanyang balak sa ipinadala niyang congratulatory letter kay newly-appointed South Korean Minister National of Defense Suh Wook.

Paliwanag naman ni Defense spokesperson Arsenio Andolong, nasa “exploratory stage” pa lamang ang nasabing planong pagbili ng South Korean UH-1H at MD500 helicopters at hindi pa naisapinal ang mga detalye kaugnay ng usapin.

Eleksyon

Philip Salvador, masayang number 1 sa boto 'beshy' na si Sen. Bong Go

Martin A. Sadongdong