Kumpiyansa ang Malacañang na mas madaling tanggalin ang mga bulok sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa sandaling matuloy ang pagbubuwag sa nasabing ahensya.
Sa pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque, inaasahan na ang malawakang sibakang sa ahensya dahil sa isyu ng korapsyon.
Sinabi ni Roque na kapag na-abolish na ang PhilHealth ay mas madali nang magtanggal partikular ang mga may bahid ng iregularidad.
Sa kabilang banda, kung hindi naman aniya maa-abolish ang PhilHealth, mas magiging matagal ang pagpoproseso ng pagtatanggal.
Dadaan sa mahigpit na proseso ng screening ang mga kawani ng PhilHealth at mula doon ay malalaman kung sino ang mare-retain sa bagong titindig na ahensya habang sa kabilang banda’y maaasunto ang mga bugok at tiwali sa tanggapan.
-Beth Camia