MAG-DOWN memory tayo at balikan ang pelikulang Bagets produced ng Viva Films during the 80s. Tumabo sa box-office ang youth oriented movie na dinirek ng yumaong Maryo J. de los Reyes. Most of the stars ng Bagets ay nagtagumpay both sa personal at professional na buhay.

Si Herbert Bautista ay naging Mayor ng Quezon City at si Aga Muhlach ay aktibo sa paglabas sa pelikula. Pinasok niya ang pelikula pero hindi pinalad. May nalulong sa drugs while J.C. Bonnin ay naging pastor. What about Raymond Lauchengco na produkto ng Repertory Phiis? Tulad ni Aga, happily married si Raymond at fatherhood ay ang pinaka-magandang bagay nangyari sa buhay niya.

Guest kamakailan sa show ni Martin Nievera si Raymond at kulang ang isang oras para sariwain ang mga alaala ng Bagets.

“It was fun making the movie. Ang karakter ko doon ay si Arnel na very outspoken Im an introvert sa tunay na buhay. Very cool ang aming direktor at matiyaga siyang magturo kung saan patungo ang role.” Best moment para kay Raymond ay ang pag-awit ng Farewell a very touching song.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Si Sharon Cuneta ang naka-discover kay Raymond at introducing sa Cross My Heart. Ilan lang ang nilabasang films at one of them ay Saan Darating Ang Umaga na siya ang umawit ng movie theme.

Currently ay in demand as photographer and visual artist. Breath-taking ang mga larawan lalo na ang pictures of landscapes. Tuloy pa rin ang paglabas sa mga concerts here at abroad and even directing some.

Paano niya kinakaya ang lagim dulot ng pandemic? “Naniniwala akong when the doors are shut. God will open more. He will turn tragedy into triumph.”

-REMY UMEREZ