NAKILALA ang Bandang Lapis sa kanilang awiting Kabilang Buhay. Muli silang nagbabalik sa bagong single titled Kung Saan Ka Masaya. Ibinatay ng band guitarist, songwriter Mark Jay Nievas sa real-life love story nina Christian at Karina na nasaksihan sa reality TV Pinoy Big Brother.
Naging saksi ang lalaki kung paano umibig sa ibang lalaki ang ex girlfriend and still wished her na maging maligaya. Ang Kung Saan Ka Masaya ay para sa mga martir sa pag-ibig.
May collaboration sa pagitan ng The Juans at Janine Tenoso sa acoustic version ng BTNS or Bakit ‘To Nangyari Sa’Tin. Sa pag-ibig when things go wrong na palaging tanong ay saan ito nagsimula.
May bagong talent ang Under Blacksheep Records Manila named Justinne. Isang hip hop protege mula Makati City. Siya ang sumulat ng Hate, her debut single. Maliwanag ang mensaheng isinasaad sa lyrics ng Hate, na kapag hinihila kang pababa ay hayaan mo and don’t mind the hate. Love yourself more and do what you do best. Sa Little By Little ng songwriter na si Jem Cubil ay binabahagi ang kanyang mga personal na karanasan. Isang paglalakbay sa paghanap ng sariling identity at kahulugan ng buhay.
Habang ang alternative rock band The Agadiers ay may second track na You Are Mine, it depicts ang maraming mukha ng love. Ito ang trademark ng Agadiers a band of brothers mula sa Cebu.
-Remy Umerez