Mayroon nang dalawang television channels ang Department of Education (DepEd) na kanilang gagamitin para sa ilulunsad na distance at blended learning sa bansa para sa School Year 2020-2021, na nakatakda nang magbukas sa Oktubre 5, Lunes.

Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, hindi simultaneous o sabay-sabay ang kanilang mga programming ngunit papayagan nila ang mga reruns o muling pag-eere ng mga ito.

“We only have 1 or 2 channels now and then we will do reruns. The early part of the day as I have seen from the grid we have the early learners like kindergarten. Towards the end of the day we have the senior high school learners,” aniya, sa panayam sa telebisyon.

Aminado si San Antonio na kulang pa ang dalawang TV channels dahil ang ideal scenario aniya ay 13 channels para sa lahat ng grado, ngunit hindi nila ito magawa sa ngayon dahil sa kakulangan ng resources.

National

Atty. Chel Diokno, benepisyaryo daw ng confidential funds ni VP Sara?

-MARY ANN SANTIAGO