Magandang balita para sa mga Manilenyo, dahil isang bago at maliwanag na Anda Circle na may mga makukulay at nagsasayaw na fountain na nagkakahalaga ng P30 milyon ang pinakahuling karagdagan sa dumaraming listahan ng mga lugar sa Maynila na pinagaganda na ng lokal na pamahalaan.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, nakatakda nang buksan sa publiko ang bagong Anda Circle, na ginastusan ng may P30 milyon ng lokal na pamahalaan.
Ang nasabing lugar na kilala rin bilang ‘Rotonda Anda,’ ay nagsisilbing ikutan ng mga sasakyan mula Bonifacio Drive patungong Port Area, Navotas, Malabon at Roxas Boulevard.
Nitong weekend ay binisita ng alkalde ang lugar at sinubok ang multi-million dollar na color dancing fountain.
Nagpahayag ng kasiyahan si Moreno sa naging rehabilitasyon ng Anda Circle, na katulad din ng iba pang maraming historical at heritage na lugar sa lungsod ay sinisikap ng pamahalaan na ayusin at pagandahin mula sa dating marumi, mabaho at napabayaang itsura nito.
Mary Ann Santiago