NALUNGKOT ang fans ni Angelica Panganiban sa in-announce nitong last teleserye na niya ang Walang Hanggang Paalam dahil graduate na raw siya sa paggawa ng teleserye. Parang ang aga raw na-burn out ng aktres at tatalikuran na ang paggawa ng teleserye.

angelica

“Masyadong personal sa akin kung bakit siguro magiging importante itong Walang Hanggang Paalam dahil dito rin ako nakapag-decide kung ano talaga yung mahalaga sa buhay. So, masaya ako ngayon na i-share at masaya ako dahil ang nakasama ko dito sa project na ito itong mga director na ito, itong grupong ito, mga artistang ito, dahil gusto ko na magpaalam sa larangan ng teleserye. So maraming maraming salamat sa lahat ng mga nagawa kong projects sa ABS-CBN.

“I’m not leaving ABS-CBN pero siguro hanggang dito na lang po ang mga trabahong gagawin ko pagdating sa soap opera. Di ba exciting? Masarap panuorin dahil huling project ko na ‘to. Graduate na po ako sa teleserye. So alam ko na ito’y tatatak sa puso ko, sa isip ko dahil maraming marami akong natututunan sa grupong ito, sa project na ito, madami akong na-discover sa sarili ko na mga hindi ko inakalang kaya kong gawin.

Tsika at Intriga

Vice Ganda, sinabing hindi kamangmangan tunay na kalaban ng edukasyon

“Sana mapanuod niyo yung huling proyekto na gagawin ko dahil kailangan maging proud sa akin yung mga sumusuporta sa akin and I won’t let you down with this. Sana suportahan niyo yung Walang Hanggang Paalam,” sabi ni Angelica.

-NITZ MIRALLES