Kasado na ang pagkakaloob ng P30,000 na ayuda sa estudyanteng anak ng mga overseas Filipino worker (OFW) na apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ito ang napagkasunduan ng Commission on Higher Education (CHED) at Department of Labor and Employment (DOLE) sa isang seremonya sa Quezon City, nitong Biyernes.

Paliwanag ng DOLE, ang nasabing programa na may temang “Tabang OFW” ay pinondohan ng P1 bilyon.

Paglilinaw naman ni CHED chairman Prospero de Vera, isinagawa ang hakbang bunsod ng bumabang college enrollees na isinisi sa kawalan umano nila ng pinansyal na kakayahan ng mga OFW na apektado ng pandemiya

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'

-JUN FABON