CABANATUAN CITY – Inihayag ni National Food Authority (NFA) Nueva Ecija provincial manager Antonio Puno na aabot na sa 33,600 sako ng palay ang nabili nila sa kanilang lugar.

Mayroon na aniya silang nakalaang pondong P4.61-M na pambili sa puntiryang 485,000 sako ng palay.

Hinihikayat aniya nila ang mga magsasaka na magbenta

sa kanila ng tuyo, at malinis na palay na P19 kada kilo.

Kaufman, isinisi kay PBBM pagkakadetine ni FPRRD sa ICC

Para makapagbenta ng palay, kinakailangan na sila ay mga

lehitimong magsasaka. Ang mga individual farmers naman na magbebenta ay dapat nakatala ang pangalan sa listahan ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture na makukuha sa City/Municipality Agriculture Office.

Gayunman, umaangal naman ang ilang magsasaka sa lalawigan dahil maliit pa umano ang nasabing buying price kumpara noong 2018 na aabot sa P20 bawat kilo nito.

Light A. Nolasco