MAS mataas ang dealth toll ng novel coronavirus, na malapit nang malampasan ang isang milyong bilang ng pagkamatay, kumpara sa mga modernong virus bagamat ang pinsala nito sa ngayon ay mas mababa at malayo kung ikukumpara sa Spanish flu noong nakalipas na siglo.

Habang nagpapatuloy ang pademya, pansamantala lamang ang death toll na naitatala, ngunit nagbibigay ito ng reperensiya para maikumpara ang new coronavirus sa ibang virus, sa nakalipas at kasalukuyan.

21ST CENTURY VIRUSES

Ang SARS-CoV-2, ang virus na responsable sa COVID-19 infection, ang pinaka nakamamatay na virus sa ika-21 siglo.

Noong 2009, ang H1N1 virus, o swine flu, ay nagdulot ng global pandemic at nag-iwan ng 18,500 na opisyal na death toll.

Kalaunan ay inirebisa ito ng medical journal na The Lancet, at tumaas sa pagitan ng

151,700 at 575,400 na pagkamatay.

Noong 2002-2003, ang SARS virus (Severe Acute Respiratory Syndrome) na umusbong sa China ang unang coronavirus na nagdulot ng pandaigdigang takot, ngunit kumitil lamang ito ng 774 tao base sa pinal na tala.

FLU EPIDEMICS

Kalimitang ikinukumpara ang COVID-19 toll sa nakamamatay na seasonal flu, bagamat hindi kalimitang nagiging laman ng balita ang huli.

Sa buong mundo, nasa 650,000 pagkamatay ang nagmula sa seasonal flu, ayon sa World Health Organization (WHO).

Noong ika-20 siglo, dalawang malaking non-seasonal flu pandemic—ang Asian flu noong 1957-1958 at Hong Kong flu noog 1968=1970—ay kapwa kumitil ng tinatayang isang milyong tao, ayon sa tala na isinagawa matapos ang pandemya.

Nangyari ang dalawang pandemya sa ibang sitwasyon sa COVID-19, bago ang globalisasyon na pinatindi at pinalala ng kalakalan at paglalakbay—at dulot nito, naging mabilis ang pagkalat ng nakamamatay na virus.

Ang pinakamatinding sakuna sa modernong mga pandemya hanggang sa kasalukuyan, ang flu pandemic noong 1918-1918 na kilala rin na Spanish flu, ay kumitil sa buhay nang tinatayang 50 milyong tao ayon sa pananaliksik na inilimbag noong 2000.

TROPICAL VIRUSES

Malaki ang layo ng death toll ng new coronavirus sa haemorrhagic fever na Ebila, unang natukoy noong 1976 at sa pinakabago nitong outbreak noong 2018-2020 kumitil ito ng halos 2,300 tao.

Sa nakalipas na apat na dekada, nasa 15,000 katao ang namatay mula sa periodic Ebola outbreak.

May mas mataas na fatality rate ang Ebola kumpara saCOVID-19: nasa 50 porsiyento ng mga taong nahawa nito ang namatay, at tumaas pa ito sa 90 porsiyento sa ilang epidemya. Ngunit hindi ito masyadong nakahahawa kumpara sa ibang mga viral diseases, dahil hindi ito airborne at naipapasa sa pamamagitan ng direct at close contact. Mas mababa rin ang death toll sa dengue fever. Tumataas ang tala ng sakit na ito, na kumakalat sa pamamagitan ng pagkagat ng impektadong lamok , ngunit nasa ilan libong pagkamatay lamang ang naitatala kada taon.

IBA PANG VIRAL EPIDEMICS

AIDS ang itinuturing na pinaka nakamamatay na modern epidemic. Nasa 33 milyon tao sa mundo ang namatay sa sakit na nakaaapekto sa immune system.

Una itong natukoy noong 1981, at wala pang epektibong bakuna na natutuklasan.

Ngunit sa pamamagitan ng retroviral drugs, kapag regular na nagagamit, ay nakatutulong na mahinto ang sakit mula sa mga daloy nito at nababawasan ng malaki ang panganib ng kontaminasyon.

Ang treatment na ito ay nakatulong upang mapababa ang death toll mula sa peak nito noong 2004, na nasa 1.7 milyon pagkamatay ang naitala pababa ng 690,000 noong 2009, ayon sa UNAIDS.

Mataas din ang death toll ng hepatitis B at C virus, na kumikitil ng tinatayang 1.3 milyong tao kada taon, karamihan sa mahihirap na bansa.

Main data source: World Health Organization (WHO).

Agence France-Presse