Isang lone bettor na taga-Valenzuela City ang pinalad na makapag-uwi ng mahigit sa P128 milyong jackpot ng Grand Lotto 6/55 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules ng gabi.

Sa isang advisory, inanunsiyo ng PCSO na matagumpay na nahulaan ng bettor ang winning combination na 02-12-22-27-03-29 ng Grand Lotto 6/55 na may katumbas na premyong P128,397,144.80.

Samantala, mayroon din namang 43 bettor ang nakapag-uwi ng tig-P100,000 matapos na mahulaan ang lima sa winning number combination.

Nasa 1,653 players naman ang nakahula ng apat na correct numbers, ang nagwagi ng tig-P1,500 bawat isa at 23,419 naman ang nanalo ng tig-P60 bawat isa matapos na makahula ng tig-tatlong tamang numero.

Eleksyon

Teddy Casiño, nakasama sina Heidi Mendoza, Luke Espiritu: ‘Maybe next time’

Ipinaliwanag ng PCSO na ang selling agents ng nanalo ay makakakuha rin naman ng prize commission na isang porsiyento ng jackpot prize na hindi lalagpas sa P1 milyon.

-Mary Ann Santiago