Dahil umano sa maikling salita (cryptic remark) ni Pangulong Duterte tungkol sa isyu ng hatian o term-sharing deal sa pagitan nina Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco noong Miyerkules ng gabi sa pulong niya sa mga lider ng Senado at Kamara, muling nabuhay ang kontrobersiya kung papalitan ba si Cayetano sa puwesto ni Velasco.
Naiulat na ganito ang sinabi ng Pangulo: “Kawawa naman si Lord (Velasco).
Iba-iba ang interpretasyon sa pahayag ng Pangulo. May nagsasabi na ikinatuwa ito ni Cayetano sapagkat ibig sabihin ay patuloy siyang magiging lider ng Kapulungan.
Gayunman, may nagsasabi naman na ito ay pabor kay Velasco. Ibig sabihin ay magiging kawawa si Velasco kung hindi tutuparin ang hatian o term-sharing agreement.
Dahil sa bangayan sa Speakership, maaaring magkaroong muli ng pagkabalam ang approval ng P4.5 bilyong national budget sa 2021 kapag hindi nakialam si Duterte.
Nagsimula na ang pagsiklab ng away ng dalawang paksiyon sa Kamara nang kuwestiyunin ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr, kaalyado ni Velasco, ang hindi patas na alokasyon sa public works projects. Aniya, mas malaki ang alokasyon na ibinigay sa mga distrito ng mga kongresistang alyado nina Cayetano at Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte Jr.
Alinsunod sa kasunduan, hahawakan ni Cayetano ang puwesto sa loob ng 15 buwan.
Papalitan siya ni Velasco para hawakan ang Speakership sa loob ng 21 buwan.
Bert de Guzman