Ipinagtanggol ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra sa Kamara ang hinihingi nitong budget para sa 2021 na P22.572 bilyon sa gitna ng pagbubusisi ng mga kongresista.

Nirerepaso ng House Committee on Appropriations sa pamumuno ni Rep. Eric Go Yap (Party-list, ACT-CIS) ang panukalang budget ng 2021 na tumaas ng 2.48 porsiyento mula sa kasalukyang budget nito na P22.025 bilyon.

Sa pagdinig, hiniling ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas kay Guevarra at sa mga opisyal ng DOJ ang listahan ng mga programa ng departamento kaugnay ng pagsawata sa online child sexual abuse at exploitation.

Ipinaalam ni Brosas sa Kalihim na may mga report na tumaas ang bilang ng nasabing krimen sa panahon ng pandemiya. Ang pananatili aniya sa bahay dahil sa lockdown ay nagdudulot ng panganib sa online sex trafficking at exploitation. Kaugnay nito, tiniyak naman ni Justice Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar na kumikilos nang husto ang DOJ upang masugpo ang ganitong mga krimen.

National

Research vessels ng BFAR, binomba ng tubig at ginitgit ng Chinese Coast Guard

Bert de Guzman