MATAPOS mawala ng ten days si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes para sa lock-in taping ng Descendants of the Sun Ph, hindi na nila inaksaya ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang magbakasyon sa paborito nilang place, ang The Farm at San Benito in Batangas. Dito sila madalas magpalipas ng weekend noon pa man.

dingdong marian

Caption ni Dingdong sa kanilang photo ni Marian, “malinis na hangin, mga puno, sariwang gulay, mainit-init na tubig...at ikaw. Huwow! A much needed relaxation in this well-loved place.”

Caption naman ni Marian: “Congrats mahal for receiving the Asian Star Prize award at the Seoul International Drama Awards! So proud of you always... Na-miss kita ang tagal mong nawala sa bahay, pwes ngayong wag ka aalis sa paningin ko! Wag ka gagalaw dyan ka lang. LOL. Saranghae! @the farmatsan benito

Zeinab, mas iba ang ganda ngayon dahil may 'dilig' na tama

Susunod na rito ang back-to-work naman ni Marian dahil dumating na raw ang latest collection at newest products sa kanilang business.

Nora V. Calderon