PABOR at mas gusto ng mga PBA players ang bubble set-up kaysa sa closed-circuit concept para sa planong restart ng 45th season ng liga na natigil sanhi ng coronavirus (COVID-19) pandemic.

Ito ang lumabas sa naganap na pakikipagpulong ni PBA Commissioner Willie Marcial sa mga players noong nakaraang Miyerkules.

Mas gusto ng mga playerd ang bubble set-up kaysa sa modelong ginagamit nila ngayon sa pag-iensayokung saan ang mga players, coaches, at iba pang team.personnels ay sinusunod ang home-gym-home routine.

Ang nasabing kagustuhan ng mga players ay ipaaabot ni Marcial sa kaalaman ng board na nagpupulong muli kahapon habang sinusulat ang balitang ito.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Pangunahing paksang pag-uusapan sa board meeting na nabanggit ay kung anong plano ang gagawin sa inaasahang pagpapatuloy ng naudlot na season ng liga.

At dahil bubble ang gusto ng mga players, pagpipilian nila kung gagayahin ang NBA bubble kung saan lahat ng teams ay mamamalagi sa isang sarado at eksklusibong venue kung saan sila maglalaro o ang semi-bubble o hotel-shuttle-venue-hotel set-up.

Nakatakda ring piliin ng board kung saan idaraos ang bubble.

Kumpleto ang kinatawan ng 12 PBA teams sa meeting nila kay Marcial na ikinatuwa naman nito.

“Well-attended ang meeting, at walang nagsabi na walang gusto maglaro. Walang nagtanong na, ‘Comm papano kung ayaw maglaro ‘yung player?’ So ibig sabihin, go lahat sila.Lahat gusto ng maglaro ulit.”

-Marivic Awitan