Nagbabala kahapon ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa inaasahang pagtama ng La Niña phenomenon sa susunod na buwan.
Dahil dito, sinabi ni PAGASA-Climate Monitoring and Prediction section chief Ana Liza Solis, asahan na ang maulang Kapaskuhan dahil mararamdaman ito hanggang sa susunod na taon.
“Developing pa lang ang La Niña (but) the La Niña condition is now establishing, meaning ‘pag natapos ang September, masa-satisfy na ang condition. (La Niña) impacts in the Philippines will be prominent in October as depicted in our rainfall forecasts,” pahayag ni Solis.
Asahan din aniya ang dalawa hanggang tatlong bagyo nagdadala ng malalakas na pag-ulan sa susunod na buwan. “These may trigger landslides and flooding in most parts of Luzon, especially the eastern portion of the country,” babala nito.
Nitong Setyembre 9, itinaas ng PAGASA ang kanilang alerto sa La Niña dahil sa tumataas na posibilidad ng pamumuo ng weather phenomenon ngayong taon.
“With this development, the country may experience higher chance of strong convective activity and tropical cyclone occurrence, which may bring above normal rainfall, especially in the eastern sections of the country in the coming several months,” sabi naman ni PAGASA Administrator Vicente Malano kaugnay ng La Niña alert.
“Impacts also include slightly warmer air temperatures in varying degrees from place to place and from time to time due to enhanced easterlies,” dagdag pa ng opisyal.
-Ellalyn de Vera-Ruiz