Dulot lamang ng mga biyaheng biglaan at hindi nakaplano dahil sa mga kaganapang nangangailangan ng kagyat na tugon.

Ito ang depensa ng Commission on Human Rights (CHR) sa milyun-milyong pisong halaga ng plane tickets na nasilip ng Senado habang dinidinig ang hirit nitong pondong gagastusin sa susunod na taon.

Ayon kay CHR Executive Director at Spokesperson Jacqueline Ann de Guia, P10 million lang ang halaga ng plane tickets at mga biyaheng biglaan at hindi nakaplano.

Paliwanag ni de Guia, naganap ito sa panahong nagsasagawa sila ng forensic exhumations.

Politics

13 senador, 'backer' na ni Tito Sotto sa pagiging Senate President—Lacson

Paglilinaw pa nito, karamihan sa mga plane ticket ay binili sa panahon ng imbestigasyon ng CHR sa Zamboanga siege at Marawi siege kung saan P10 milyon lang ito sa P125 milyong inilaan sa travel expenses ng ahensya sa tatlong taon.

Ang mga travel tickets aniya ay 8% lang ng total travel allocation.

Humihirit ang CHR ng mahigit P860 milyong budget sa 2021 na mas mataas sa naibigay sa kanila noong 2019.

-Beth Camia