August 25, 2026

Home BALITA National

Atty. Divinagracia, nilinaw nag-viral na hawak na Krus sa impeachment trial

Atty. Divinagracia, nilinaw nag-viral na hawak na Krus sa impeachment trial
Photo courtesy: Atty. Race Del Rosario (FB)

Ibinahagi sa publiko ng private prosecutor na si Atty. Mae Divinagracia ang dahilan sa nag-viral niyang hawak-hawak na krus habang isinasalang sa direct examination ang testigong si Lemuel Ortonio na kasalukuyang Assistant Secretary at Assistant Chief of Staff ng Office of the Vice President (OVP). 

Kaugnay ito sa naging pag-viral sa social media ng larawan ni Divinagracia habang hawak niya ang naturang krus sa gitna ng impeachment trial nitong Martes, Agosto 25, 2026. 

Partikular sa Facebook post ng abogadong si Atty. Race Del Rosario kung saan sinabi nitong mukhang ninenerbiyos si Divinagracia kaya raw ito may hawak na Krus. 

“Atty. Mae Divinagracia appears to be nervous, and to calm herself, she has been holding a wooden cross,” ani Del Rosario. 

Dagdag pa niya, “May God guide you, give you strength and courage, and help you stand firm for the Filipino people.” 

National

Teodoro nababahala, ‘di ito-tolerate ‘educ tours’ na umano’y pinaghahawak ng baril mga bata

Screenshot mula sa FB post ni Del Rosario. 

Sa kasalukuyan, habang sinusulat ito, umabot na sa 24.2K reactions at 1.1K comments ang nalikom ng naturang post ni Del Rosario. 

Sa naging pahayag naman ni Divinagracia sa panayam sa kaniya ng media matapos ang impeachment trial nitong Martes, nilinaw niyang “comfort cross” umano niya ito. 

“It’s a comfort cross,” ‘ika niya. 

Ayon kay Divinagracia, lagi umano niya itong dala sa tuwing sumasabak o humaharap siya sa korte.

Samantala, kaugnay naman sa pagsuporta umano ng publiko kay Divinagracia, iginiit niyang hindi raw tungkol sa kaniya ang impeachment trial kundi para daw sa hustisya. 

“This is not about me po. This is about just for justice,” aniya. 

Diin Divinagracia, patuloy raw ang paggamit ng prosecution panel ng terminong “scam” sa isyu ng confidential funds sa OVP dahil naniniwala umano sila na si Vice President Sara Duterte ang “mastermind” sa naturang mga alegasyon. 

“As I said earlier, we, the prosecution, just want to call a spade a spade. To us, it is a scam that was masterminded by the Vice President,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Sino si Atty. Mae Divinagracia ng prosecution?

KAUGNAY NA BALITA: Prosecution, kinuwestiyon kung may 'bantang mapaminsala' kay VP Sara sa 11-araw noon

Inirerekomendang balita