MATAPOS maudlot ang dapat sana’y unang laban nya sa octagon matapos mag positibo sa COVID-19,matutuloy na rin ang pagsabak ng Fil-Am fighter na si Mark Striegl sa Ultimate Fighting Championship (UFC) sa Oktubre 18.

Nakarecover na ang mixed martial arts fighter mula sa coronavirus at nakatakdang lumaban kay Said Nurmagomedov ng Russia sa isang 3-round bout sa bantamweight division.

Ang makakatunggali ni Striegl ay pinsan ng kasalukuyang UFC lightweight champion na si Khabib Nurmagomedov.

Magsisilbing undercard ang laban nina Striegl ay Nurmagomedov sa UFC Fight Night: Ortega vs Korean Zombie na idaraos sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Hangad ng 2019 Southeast Asian Games sambo gold medalist na ma-extend ang kanyang 4-game winning streak kontra sa Russian fighter na galing naman sa pagkatalo na pumutol sa kang naitalang 7-game winning streak noong Disyembre.

Dapat sana’y lalaban ang 32-anyos na si Striegl noong Agosto 22 kontra sa Russian fighter na si Timur Valiev sa undercard ng UFC Fight Night: Munoz vs Edgar sa Las Vegas, Nevada.

Ngunit hindi ito natuloy dahil nagpositibo sya sa COVID-19 test ilang oras bago lumaban.

Marivic Awitan