Tiniyak ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na handang-handa na sila sa pagtataas ng kanilang train capacity simula ngayong Lunes, Setyembre 14.

Ayon sa MRT-3, nailapat na nila ang mga bagong physical distancing markers sa loob ng kanilang mga bagon upang maging gabay ng mga pasahero sa tren.

Mula anila sa dating isang metrong pagitan ng mga pasahero ay ginawa na lamang itong 0.75 metrong distansiya.

Inaasahan namang dahil sa pagbabawas ng distansiya sa pagitan ng mga pasahero ay madaragdagan ang train capacity ng mga tren at darami ang mga pasaherong maisasakay nito.

Eleksyon

Luke Espiritu, ikinalugod 6M bumoto sa kaniya ‘kontra dinastiya’: ‘Dapat manginig na sila!’

Nabatid na sa ngayon ay aabot na sa 204 pasahero ang magiging bagong kapasidad ng bawat train set, kung saan ay may 68 na pasahero kada bagon, na mas mataas sa dating 153 na pasahero kada train set, na mayroong 51 na pasahero kada bagon.

Sa kabila nito, tiniyak ng MRT-3 na mahigpit pa ring ipatutupad ang mga health and safety protocols sa loob ng mga istasyon at tren upang maproteksyunan ang mga pasahero kontra sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Paalala pa ng MRT-3, hindi nila pasasakayin ng tren ang mga commuters na walang suot na full face shield at face mask at hindi pa rin pinapayagan ang pagsasalita sa loob ng mga tren at pagsagot ng tawag sa anumang digital device.

Nauna rito, inaprubahan ng InterAgency Tas Force (IATF) ang panukala ng Department of Transportation (DOTr) at Economic Development Cluster (EDC) na itaas ang rider capacity ng mga pampublikong transportasyon sa pamamagitan ng pagbaba ng sukat ng distansya sa pagitan ng mga pasahero.

-Mary Ann Santiago