Kailangang dagdagan ng P42 bilyon ang hinihinging P86.3 bilyon ng Department of Agriculture (DA) sa 2021 upang mapalusog ang agrikultura sa bansa at matulungan ang libu-libong maliliit na magsasaka.

Sa pagdinig sa budget ng DA, hiniling ni Agriculture Secretary William Dar sa House committee on appropriations na dagdagan pa ang kanilang pondo matapos tapyasan ng Department of Budget and Management (DBM) ang kanilang request na P200 bilyon sa 2021.

Aabot lamang sa P86.3 bilyon ang inaprubahan ng DBM na budget ng ahensya. Gayunman, naglaan naman ng P66.4 bilyong stimulus fund para sa mga magsasaka at negosyo sa sektor ng agrikultura na labis ang pinsalang dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Idinahilan ni Dar, matindi ang magiging epekto ng budget cut sa plano ng DA na magpatupad ng mga programa para mapabuti ang farm production sa susunod na taon upang matiyak ang sapat na suplay ng pagkain.

Bert de Guzman

PBBM, nakikinig; hindi vindictive — PCO Usec. Castro