Tinatayang aabot sa P20 milyong halaga ng puslit na sigarilyo ang sinira sa Cagayan de Oro, ayon sa Bureau of Customs (BOC).
Sa pahayag ng BOC, nasa 18, 000 ream ng sigarilyo itinapon sa
Digama Warehouse and Destruction Facility sa Barangay Bayabas, Cagayan de Oro, nitong Setyembre 9.
Naiulat na nakumpiska ang nasabing puslit na produkto sa iba’t ibang port of entry sa Northern Mindanao na kinabibilangan ng
Iligan subport, Ozamis subport, at Mindanao Container Terminal (MCT).
Sinabi naman ni Port of Cagayan de Oro District Collector John Simon, ang nasabing kargamento ay pinag-isa at ipinadala sa Black Petal Commercial at kina Abdul Jamel Caunto Lomodag, Jamalodin Balindong, Abdul Dipatuan, Jamal Elias, Sabri Abbas, Johayne Maruhom, Sihawi Facol, Saphia Lanto, Benjamin Jajalis, at Ricky Ventura.
“The items were illegally imported without pertinent documents and without undergoing customs clearance to evade the payment of duties and taxes. We have to make sure that no one would benefit from these illegal items,” paliwanag pa ng opisyal.
-Betheena Unite