April 24, 2026

Home BALITA Probinsya

Construction worker, todas matapos mahigop ng cement mixer!

Construction worker, todas matapos mahigop ng cement mixer!
Photo courtesy: Pixabay

Dead on arrival na nang naisugod sa ospital ang isang construction worker na nilamon ng cement mixer sa Negros oriental.

Ayon sa mga ulat, oras ng trabaho nang mangyari ang insidente.

Lumalabas sa paunang imbestigasyon na may sisilipan lang daw sana na makina ang biktima nang lumapit siya sa nasabing cement mixer. Subalit, hindi raw nito napansin na sumabit na ang kaniyang damit dahilan upang tuloy-tuloy na mahigop siya sa loob ng mixer.

Ayon pa sa mga awtoridad, nahirapan silang alisin ang katawan ng biktima mula sa loob ng cement mixer dahil sa tindi ng pinsala na tinamo niya.

Sinubukan pang isugod sa ospital ang biktima ngunit idineklara siyang dead on arrival

Probinsya

Halos 700 katao, naitalang lumabag sa 'topless ordinance' sa loob ng isang linggo sa Davao City

Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy kung may foul play nga ba sa nasabing insidente.

Sinusuri na rin sa imbestigasyon kung palpak ang safety protocols na ipinatutupad sa pinasukang construction site ng biktima.