CAMP MELCHOR DELA CRUZ, Isabela – Isang mataas na opisyal ng New People’s Army ang boluntaryong sumuko sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Bontoc, Mt. Province, kamakailan.
Sinabi ni Brigadier General Laurence Mina, commanding officer ng 51st Division ng Philippine Army, ang sumuko ay kinilala sa alyas ‘Digbay’, 1st deputy secretary ng Ilocos-Cordillera Regional Committee (ICRC) ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).
Naisakatuparan aniya ang pag-surrender matapos ang anim na buwang pakikipag-usap sa nasabing rebelde.
Aniya, ang pagsuko ni Digbay ay isang maituturing significant achievement at nagpapatunay na seryoso ang gobyerno na maipatupad ang mga pangako para sa mga rebel returnee.
Zaldy Comanda