Nilinaw kahapon ng Department of Health (DOH) na wala sa sinumang US-based manufacturers ng anti-COVID vaccine ang humiling na mabigyan ng pardon si US Marine Joseph Scott Pemberton, kapalit nang pagbibigay sa Pilipinas ng access sa mga bakunang kanilang ginagawa laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang paglilinaw ay ginawa ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire sa isang online forum kaugnay sa pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na posibleng pinagkalooban ni Pangulong Rodrigo Duterte ng absolute pardon si Pemberton upang matiyak na mabebenepisyuhan ang mga Pinoy sa mga anti-COVID vaccines na dinidebelop sa Estados Unidos.

Sinabi ni Vergeire, sa isinagawa nilang pakikipagpulong sa mga manufacturer ng bakuna mula sa U.S., ay wala namang kondisyon na ibinigay ang mga ito sa Pilipinas.

“We have had discussions already with manufacturers from the US. No conditions were provided or given para sa atin. Lahat naman ng ‘yan, dadaan sa regulatory process natin,” paglilinaw ni Vergeire.

National

Sen. Imee sa sinabi ni Tiangco: 'Panahon na para ibasura ang impeachment ni VP Sara'

“Hindi po tayo naka-receive ng kahit na anumang kondisyon na ganito, based on the discussions that we have had with the manufacturer from the US,” aniya pa.

Si Pemberton ay matatandaang pinatawan ng parusang hanggang 10 taong pagkabilanggo ng hukuman matapos na mapatay ang Filipino transgender woman na si Jennifer Laude noong 2014.

-MARY ANN SANTIAGO