Hinihikayat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang publiko na ipagpatuloy ang pagtangkilik sa kanilang mga palaro upang makaipon ng pondo na ginagamit nila sa kanilang pagkakawang-gawa o pagtulong sa mga nangangailangang mamamayan.

Inilabas ng PCSO ang panawagan matapos na umaming bilyun-bilyong piso na ang nawala mula sa kita ng ahensiya sa loob ng apat na buwan na natigil ang kanilang lotto operations dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ikinatwiran ng PCSO, malaki ang naging epekto ng lockdown sa sa kanilang kita na ginagamit bilang charity fund.

Sinabi pa ng PCSO, bagamat nakapagpatuloy na silang muli ng operasyon noong Agosto 7 ay maliit lamang ang kanilang kinikita kumpara sa expected sales nila kada buwan.

National

'VP Sara, bawas-bawasan pagiging Sara the explorer!'—Usec. Castro

Dagdag pa niya, kapag bumaba ang kanilang charity fund ay tiyak na bababa rin ang nire-remit nilang pondo para sa Universal Health Care, gayundin ang kanilang kontribusyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), at iba pa.

-Mary Ann Santiago