Hindi na mapigilan at patuloy na tumataas pa ang bilang ng mga Pinoy na nagbebenta ng produkto online sa gitna ng nararanasang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang kinumpirma ng Department of Trade and Industry base sa kanilangpag aaral sa loob ng limang buwan, nang isailalim sa lockdown ang Pilipinas ay lumobo ng 40 beses ang nagparehistrong online sellers.

Ipinaliwanag ni Trade Secretary Ramon Lopez, mula sa 1,700 ng Marso, umabot na sa 75,000 ang registered online business names nitong nakaraang linggo.

Magsisilbi aniyang “silver lining” sa COVID-19 ang pagyakap ng bansa sa e-commerce, lalo’t nakatulong din ang paglipat ng DTI sa digital business registration.

National

VP Sara, suportado batas kontra ‘anti-dynasty:’ Ako yung pinakamagaling sa political dynasty!

“Malaking tulong sa gobyerno ang pagtaas ng bilang ng online sellers, ngayong target na buwisan ang online transactions sa harap ng pagbagsak ng koleksyon at pagtaas ng gastos sa pagtugon sa pandemya,” dagdag pa ng opisyal.

-Beth Camia