Nagdiwang ng kanyang kaarawan si Kristine Hermosa-Sotto nitong Miyerkules, at 37 years old na siya.

Nag-post ang asawa niyang si Oyo Sotto ng mga lumang larawan nila ng asawa kuha sa programang Midnight DJ, ang isa sa hit series ng TV5 9 years ago sa kanyang IGaccount.

Ang caption ni Oyo sa mga larawan, “Happy birthday mahal ko! I always thank the Lord na ikaw ang napangasawa ko. Salamat sa iyong walang katapusang pasensya sa akin, sa pag aalaga mo sakin at sating mga anak. Maraming salamat sa pag mamahal mo. Mahal na mahal kita. Found old pictures from 10 years ago, back when you guested in Midnight DJ. Few months before our wedding @khsotto.”

Sinagot naman ni Kristine ang post ng asawa, “bakit mo ako pinaiyak sa umaga??? At bakit gising ka pa around this time???!!! MAHAL NA MAHAL DIN KITA salamat dahil sinagot ni Lord ang isa sa mga pinaka-importanteng dasal ko sa buhay ko. IKAW at ang mga ANAK NATIN.” Siyam na taon ng kasal sina Oyo at Kristine at nabiyayaan sila ng tatlong anak at may adopted son ang huli noong dalaga pa siya na isinunod na rin sa apelyidong Sotto.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hands-on mommy si Kristine sa kanilang apat na anak at naniniwala kami na ito ang dahilan kung bakit sobrang mahal ni Oyo ang asawa dahil mas pinili nitong iwan ang showbiz para pagsilbihan ang pamilya nu’ng kasagsagan ng kasikatan niya.

Si Kristine ay may tatlong kapatid, sina Kathleen, Maxine at Joshua.

Mula sa pahayagang Balita, maligayang kaarawan sa ‘yo Tin.

-Reggee Bonoan