Pinagtibay ng Kamara nitong Lunes ang House Bill 7507 na nagkakaloob ng prangkisa sa San Miguel Aerocity Inc. para gumawa at mag-operate ng domestic at international airport sa loob ng 50 taon sa bayan ng Bulakan, Bulacan.
Ipinagkakaloob din sa San Miguel Aerocity Inc. ang karapatang mag-develop, mag-operate at magmantine sa isang airport city. Ang panukala ay inakda ni Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado.
Bert de Guzman