Inaasinta ng gobyerno na maipatupad sa loob ng isang linggo ang pagbabawal sa home quarantine para sa mga nasubok na positibo sa 2019 novel coronavirus disease (COVID-19), sinabi ni Interior Secretary Eduardo Ano nitong Martes.

“Titingnan natin kung pwede ma-implement within the week,” sinabi ni Ano sa isang panayam sa CNN Philippines.

Sa kasalukuyan, ang mga pinapayagan sa home quarantine ay ang mga walang comorbidity o malalang sakit at maaaring ihiwalay sa kanilang sariling silid-tulugan na mayroong palikuran.

“So what we are going to do is really strictly implement the no home quarantine,” sinabi ng kalihim.

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'

Ipinunto ni Ano na layunin ng hakbang na maibaba ang bilang ng mga kaso ng COVID-19. “Very important kasi na talagang mailabas sila sa bahay kasi nahahawa yung pamilya,” aniya.

“That is for the good and for the sake of their family members,” ipinunto ni Ano.

Sa kabilang banda, tiniyak ng kalihim sa publiko na “we will be considerate but we really have to enforce strictly to no home quarantine.”

Ipinaliwanag ng kalihim na isasaalang-alang ang mga pagbubukod, halimbawa, “mayamang” matanda na may kani-kanilang silid at palikuran at nahihirapang lumipat sa isang isolation facility.

Samantala, ang mga talakayan ni Ano tungkol sa pagbabawal sa home quarantine ay nagsimula noong Lunes ng gabi, Setyembre 7, kasama ang national task force sa COVID-19 response.

Sa sandaling naaprubahan ito ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), sinabi niya na isang joint memorandum circular ang gagawin sa pagitan ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng Department of Health (DOH ).

Kahit sinasabi ng mga dalubhasa sa kalusugan na ang bansa ay napapatag na ang kurbada sa mga kaso ng COVID-19, sinabi ni Ano na hindi pa ito sapat.

“Gusto natin syempre mag-decline pa para talagang okay tayo,” sabi ni Ano na binanggit na ang positivity rate ng bansa ay nasa 10 porsiyento pa rin.

Nabanggit din niya na sapat ang ginagawa ng bansa na may halos 32,000 tests na isinasatawa bawat araw at tinatayang 2.6 milyon mga tao na ang nasubukan.

Gayundin, sinabi niya na ang bansa ay mayroon nang 117 COVID-19 test labs mula sa isa lamang noong Pebrero.

-MARY ANN SANTIAGO